O Diyos ko, ako'y akbayan Gaya ni Enoc no'ng araw; Kamay kong mahina'y tabnan At h'wag Mo pong pabayaan; Bagaman daa'y di tanaw Umaasa sa tagumpay.
Di ko kaya ang mag-isa Sa mapanganib na sigwa, Mga patibong sa paa Sa dadaana'y balana; Ang sa kaaway na pita Ako sa Iyo'y makuha.
Sa Iyo lang umaasa Kung kasama ka'y ligtas na, Kaya't patuloy nag pita Na sa Iyo'y makisama Hanggang sa aking makita Ang mukha ng Diyos na Ama.